NOTE: This is a post written in Filipino language and first appeared on Istorya newspaper Governor Espino delivering his State of the Province Address “Pangasinan is not for sale!“ Isa ito sa mga pinakamalaman na sinabi ni Governor Amado T. Espino, Jr. sa kanyang State of the Province Adress( SOPA) 2015 kamakailan. Ito ay bilang reaksyon sa talamak na umano’y bigayan ng pera sa iba’t ibang opisyal ng Pangasinan para pumanig sa pwersa ng kabilang kampo. Umani ito ng masigabong palakpakan mula sa libo-libong dumalo sa SOPA ng gobernador. Subalit kapansin-pansin ang paghikbi ng Unang Ginang. Marahil ay bunga ito ng mga sakit ng kalooban na pinagdadaanan nila sa mga nababalitaan nilang di patas na laban na ginagawa sa kanila ng kalaban. Maging ang mga dumalo ay kinapanayan ng Istorya kung ano ang kanilang masasabi sa emosyonal na pahayag ng Gobernador. Unity Walk ni Governor Espino at ng myembro ng Sangguniang Panlalawigan Ayon kay Estrella Maniacop, isang guro na dumalo sa SOPA, sa...
An experiential blog about destinations, attractions, food and brands.