Skip to main content

Pangasinan is not for sale! — Gov Espino

NOTE: This is a post written in Filipino language and first appeared on Istorya newspaper




Governor Espino delivering his State of the Province Address


“Pangasinan is not for sale!“

Isa ito sa mga pinakamalaman na sinabi ni Governor Amado T. Espino, Jr. sa kanyang State of the Province Adress( SOPA) 2015 kamakailan. Ito ay bilang reaksyon sa talamak na umano’y bigayan ng pera sa iba’t ibang opisyal ng Pangasinan para pumanig sa pwersa ng kabilang kampo.

Umani ito ng masigabong palakpakan mula sa libo-libong dumalo sa SOPA ng gobernador. Subalit kapansin-pansin ang paghikbi ng Unang Ginang. Marahil ay bunga ito ng mga sakit ng kalooban na pinagdadaanan nila sa mga nababalitaan nilang di patas na laban na ginagawa sa kanila ng kalaban.

Maging ang mga dumalo ay kinapanayan ng Istorya kung ano ang kanilang masasabi sa emosyonal na pahayag ng Gobernador.

Unity Walk ni Governor Espino at ng myembro ng Sangguniang Panlalawigan

Ayon kay Estrella Maniacop, isang guro na dumalo sa SOPA, sang ayon sya sa pahayag ni Gob. Espino. “ Syempre ayaw natin ng ganun, dapat ang laban sa politika ay patas. Kasi kung lahat ng tao dito ay babayaran nila para sila ay panigan o suportahan, anong klaseng serbisyo ang ibibigay ng mga iyan pag sila na ang nakaupo? Malamang pati ang mga binayaran nilang Mayor, Bise mayor, Kagawad, Kapitan ay magiging bulag, pipi at bingi sa mga pang aabuso. Kasi nga magiging tuta na sila…” , ani Maniacop.

Kay Sofronio Marquez naman na taga Binmaley, ito ang kanyang opinion “ pag binayaran nila ang mga opisyal, di may karapatan na silang walang-hiyain ang ating probinsya at wala ng pupuna sa mga gagawin nilang kalokohan kung sakaling sila ang maupo? Mali yun, tama si Governor, Pangasinan is not for sale.”

Ang youth attendee naman na si pinangunahan ni Lanie Montemayor ay nagwikang “Talaga. Agree kami na Pangasinan is not for sale kasi yung mga nakaupo na tumanggap ng pera nila ay mangangahulugan na ibinenta na nila ang kanilang mga nasasakupan. At hindi tama yun. Walang price tag ang mga kabataang botante.”


Ilang bahagi ng mga opisyal na dumalo sa SOPA

“Alam kasi nilang hindi sila mananalo kay Governor Espino, kasi outstanding ang performance nito kaya, pinipilayan nila yung tao sa pamamagitan ng pagbili sa mga dati nitong mga kaalyado,” kwento ng isang dating aktibista sa Pangasinan.

Ayon sa mga istorya at text message sa Istorya ng mga kapitan, tuwing may patawag ay binibigyan sila ng pera. Maging ang mga Mayor na nagpahayag ng suporta sa kabilang kampo ay pinaniniwalaang may pledge umanong dalawampung milyong piso kada isa.


Dagsa ang mga taong makikipagkamay at babati sa mga opisyal matapos ang SOPA

Nitong huli umano ay sa Urdaneta naman ang bigayan at limang libo kada isang kapitan. Ito ay base sa kwento ng isang kapitan sa Istorya sa kundisyong di ito papangalanan.

Ayon pa sa source ng Istorya “ nagpapasalamat nga kami kay Board Member Pogi Espino, kasi kung di sya lumaban, aba’y hindi kami magkakapera mula sa kabila. Syempre may kalaban ang M&M kaya ang istayl nila dahil syempre hindi sila ang nakaupo, magpapatawag. Eh kami naman pupunta, wala naman masama, hindi naman kami humihingi eh. Pero, grabe din, nililitrato bawat isa. May camera! O, diba nakakatawa? Bakit kami pipicturean kung binigay ang pera ng kusang-loob?” anang kapitan.

Tinanong namin ang aming source kung alam ba ni Governor Espino ang nagaganap na bigayan ng pera tuwing magpapatawag ang kabila. At ang sagot ng kapitan ay “ Oo, sinasabi namin sa kanya. Sabi naman nya eh tanggapin nyo lang, kasi pera ng taumbayan yan, sabi naman nya. O kami, dahil di naman kami ang humihingi—kinukuha lang namin” , dagdag pa ni Kap.

Hindi na rin bago sa Istorya ang mga balitang ganito. Dahil ayon sa aming mga kausap at mga media friends, kahit saang bayan pumunta ang kampo ng M&M, sa San Carlos, sa Urdaneta, sa Alaminos, sa mismong munisipyo ng bayan ng Malasiqui, namumudmod sila ng pera.

Comments

Popular posts from this blog

Cagayan Food Crawl: Promoting the Philippines, One Flavor at a Time

20 restaurants. 10 bloggers. 2 days.  In two days, close to 20 restaurants in Tuguegarao have hosted the bloggers and social media influencers and allowed them to review their best-sellers and must-try dishes. Authentic local cuisines were served, heirloom recipes, the flavors of Cagayan was put to test.  Will the bloggers like it? Will it pass their discriminating palates, will they share the local food stories in the region?  The first-ever Cagayan Food Crawl is a food appreciation tour for bloggers and digital influencers in Northern Luzon. It aims to promote and help the F&B industry in Region 2, Cagayan Valley.  It was held last April 8 and 9, in line with the Department of Tourism’s (DOT) theme - Flavors of The Philippines. The DOT Cagayan Valley Region  supported the said momentous event.  The most exciting part was the warmth of restaurateurs in the area. A total of 60 dishes were served for review. Each has its own characteristic, eac

New Year Beauty Makeover Vibrante-style

I started the year 2013 right. With 2012 being rewarding for me and my family, starting the new year with a blast was just the right move. Armed with my plans for the entire year of personal branding and self improvement, a beauty makeover is in place. But where to have it done was the first question. We had a client that was very serious to penetrate the beauty business in the North and his salon is located in Dagupan. During our taping, I saw how he transformed ordinary faces into glam works of art. Our girls innate beauty were enhanced and emphasized and they all looked gorgeous in the hands of Marcel. Vibrante Salon by Marcel Mendoza is the place to go. I endured the first few days of New Year looking old and less vain. I waited for an appointment at his premiere salon. Vibrante’s services are not for everyone. He created his own niche. Marcel’s regular clients are high end. They belong to the A-list. Yes, he defined his own market. His prices are premium because his serv

This week in Politics and Digital

Wednesday was the start of the work week because of the long holidays declared by the National Government. As many people are spending their holidays somewhere else, many chose to stay at home due to bad weather. Upon return to my beloved province, there was a new project waiting for our team. The I love Pangasinan video, we were to gather video clips from interviewees of different people in Pangasinan. Next our proposed project for the Governor was approved by the Provincial Administrator. Sir Raffy , as he is fondly called is supportive of projects related to information technology. He knows that the society is going also with the digital shift. And an event to showcase all of those things like the Pangasinan Digital ICT Fair is ready to roll out. This event is scheduled on the second week of November at the Capitol Grounds. And then there are Bloopers along the way. Urdaneta refused to accept the tons of trash from Baguio City because allegedly the city can only accomodate 10 t